VIDEO: Gen. Leonardo Espina Emotional Speech Full Transcript
for SAF Fallen 44.
The speech of OIC Gen. Leonardo Espina for the SAF Fallen 44
became viral online. So if you failed to watch the live coverage just download
the video on Youtube or you might as well read the full text or full speech
transcript below.
Full text of Philippine National
Police Officer-in-Charge Leonardo Espina’s speech before the House of
Representatives’ probe on Mamasapano incident on February 11, 2015:
Sir, as you
all know, I am the officer-in-charge now of the Philippine National Police.
There is no doubt that we are all for the peace process because, first and
foremost, we are peacekeepers. We are your peacekeepers. Wala hong ibang
gugusto ng katahimikan kundi kami. Alam naming…alam ng AFP ang price to pay for
war.
Pero, sir,
we seek for very clear answers. We seek clear answers from the other party of
the peace process on the following—Ano ba itong overkill na ito na ginawa niyo
sa mga tao ko?
Ako hindi ho
ako nakatulog kagabi nung nalaman ko yung medico-legal report. Si Inspector
[Rennie] Tayrus, si Inspector [Ryan] Pabalina did not suffer any lethal shots.
Tinamaan sila sa paa lang. Ganun din yung isa.
[Pero]
papaanong namatay yan? Yung isa binaril niyo sa ulo e. Buhay na buhay pa yung
tao. Yung isa, hinubaran niyo ng bulletproof niya. Binaril niyo sa katawan
niya.
Yung isa 9mm
sa ulo niya. Dalawa…dalawang fatal shots. Hindi pupwedeng nag-suicide yung tao
dahil in the face of so many enemies kasi dalawa. 9mm…close range yun…short
firearm yun.
Nakita na e.
Ito lang po ang gusto kong itanong e. Nakita niyo na SAF yan. Kahit ano pang
violation pa yan; kahit na po sinabi nating walang coordination, etc, kahit na
sabihin pa ho natin sino unang nagpaputok, kausap yan e sa usaping
pangkatahimikan. Peace talks.
Bakit niyo
fini-nish yung mga tao ko? 44 yan e. Tatatlo pa lang yung sinasabi ko. Twenty
others were all with head shots. Hindi pa ho kami tapos dun sa pagtatanong ko
sa medico-legal namin.
You know,
your honors…ito pong mga taong ito, simpleng mga tao lang ito e. Kinuha yung
isang kriminal. Legal na operasyon. Tatanungin pa ba natin kung legal pa po ba
yun? Terorista yan e. Kriminal yan e. Nagpapasabog. Aang dami nang pinatay
niyan e. Tapos you will blame [it on lack of] coordination? Bakit? To justify
the killing of my people after fully knowing them? That they are from SAF? They
are from the government?
Mind you, we
are all for peace. Walang ibang magsasalita dito para sa mga tao kundi ako.
Wala pong ibang inaasahan itong namatay na 44 kundi po tayong lahat. Bigyan
naman natin ng hustisya at magpakatotoo sana tayo rito.
Hindi ho
pupwedeng laging ganito. I seek answers for my people so that when I die and
when my time comes that I have to face them, at least I can say something. It
is always sweet to die for this country. Itong mga taong ito will always be
there in front and say: ‘Mission accomplished po.
Sana nga ho,
sinasabi ko kasama na ako dun e. Personal e. So that I can lie down before you
and tell you: ‘Salute, mission accomplished.’
Pero po,
inuulit po namin, kami sa Philippine National Police, we are all for peace.
Sagutin niyo lang po ako so that when we face each other all in heaven, I can
tell them what happened.
My men, I
tell you, buhay na buhay yan. Hindi niyo man lang pinauwi kasama ng kanilang
mga anak.
Dapat fair
play lang ho lahat. That’s what I want. That’s what I request—fairness and
justice for my men. Maraming salamat po.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento